Pormal na tinurn-over ng National Capital Region Police Office ang mga relief goods sa Capiz na ibibigay sa mga biktima ng Bagyong Agaton, alas-9:00 ng umaga ng Biyernes, Abril 29, 2022.
Ang aktibidad ay pinamunuan ni NCRPO Regional Director Police Major General Felipe Natividad na dinaluhan ng Company Commanders ng 1st at 2nd CPMC at Chiefs of Police ng Capiz Police Provincial Office.
Ayon kay PMGen Natividad, ang nasabing mga donasyon ay nakolekta mula sa mga boluntaryong kontribusyon ng kanyang mga tauhan mula sa Regional Headquarters hanggang sa mga sub-stations nito.
Nakatanggap ang bawat unit at istasyon ng nasabing probinsya ng 50 food packs, dalawang sako ng damit at 10 pares ng sapatos para sa kanilang disposisyon.
Ani PMGen Natividad sa kanyang mensahe, āAng relief operation na ito ay isang manipestasyon na sumasalamin sa ating āBayanihanā culture na nagbubuklod sa atin sa mga panahong nangangailangan ng tulong ang ating mga kapwa Pilipino. Kahit sino pa ang nangangailangan, lagi kaming handang iabot ang aming mga kamay upang tumulong sa anumang paraan. Magkaisa tayo para buuing muli ang nasira at gaya nga ng kasabihang āBagyo ka lang, Pinoy kami.ā Yan ang tatak Pinoy, Tatak Team NCRPO, nagtatrabaho ng maayos at tama at palaging nasa puso ang disiplina.ā
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos