Saturday, May 17, 2025

NCRPO: Krimen sa Metro Manila bumaba ng 46%

Bumaba ng 46% ang krimen sa Metro Manila ayon sa National Capital Region Police Office sa unang 15 araw ng Mayo 2025.

Ayon kay Police Major General Anthony A. Aberin, Regional Director ng NCRPO, tanging 155 insidente ng krimen ang naitala mula Mayo 1 hanggang Mayo 15 ngayong taon, kumpara sa 287 insidente sa kaparehong panahon noong 2024.

“Bagamat naging masinsinan ang aming partisipasyon sa seguridad ng halalan, nanatiling matatag at masigasig ang ating mga pulis sa pagpapatupad ng mga operasyon, checkpoints, at kampanya laban sa kriminalidad,” ani PMGen Aberin.

Kabilang sa mga itinuturong dahilan ng pagbaba ng krimen ay ang mas pinaigting na checkpoint operations, mataas na presensya ng pulis sa mga lansangan, aktibong pagpapatrolya, at tuloy-tuloy na kampanya kontra krimen.

Kapansin-pansin ang malaking pagbaba sa walong pangunahing uri ng krimen.

Pinakamalaking ibinaba ay sa kaso ng panggagahasa (rape) na bumaba ng 76%, sinundan ng physical injuries (50%), murder (38%), homicide (43%), robbery (39%), at theft (37%). Samantala, 100% pagbaba ang naitala sa vehicle theft, habang 13% pagbaba naman sa motorcycle theft.

“Ang mga datos na ito ay patunay ng epektibong pagpapatupad ng NCRPO ng mga programang pangseguridad at ng mas pinagtibay na ugnayan ng bawat yunit sa Metro Manila,” dagdag pa ni PMGen Aberin.

Bukod sa pagbaba ng krimen, umangat din ang Crime Clearance Efficiency (CCE) ng NCRPO na nanatiling mataas sa 90.97%, habang tumaas naman ng 8.53% ang Crime Solution Efficiency (CSE) mula 67.60% noong nakaraang taon tungo sa 76.13% ngayong taon.

“Ang una at pangunahing tungkulin namin ay ang maiwasan ang krimen, at magagawa lamang namin ito kung ang kapulisan ay nakikita, naririnig, at nararamdaman ng mamamayan,” pagtatapos ni RD Aberin.

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,570SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles