Naibalik sa may-ari ang nawalang cellphone sa tulong ng pulisya sa Barangay San Isidro, Makati City bandang 10:30 ng umaga nito lamang Huwebes, Nobyembre 21, 2024.
Ayon kay Police Major Welken T Noblejas, PCP Commander ng Makati Substation 5, naging posible ang pagbalik sa may-ari ng nawalang cellphone dahil sa pagsisikap ni Police Corporal Dinky L Ortiz at Patrolman Heljohn Pascual.
Nabatid na nahulog ang cellphone sa daan habang pauwi si Mr. Ruven Segura at na-locate sa tulong ng GPS dahil nakalog-in din ito sa laptop.
Agad naman nakipag-ugnayan kay PCpl Ortiz ang may-ari ng cellphone at pinuntahan ang tinurong lokasyon.
Nagkaroon ng ugnayan sa mga barangay opisyal, pakikipag-usap sa nakapulot at matagumpay itong naibalik kay Mr. Segura.
Taos-pusong pasasalamat naman ni Mr. Segura kay PCpl Ortiz dahil hindi ito nagdalawang isip na samahan at magbigay ng de-kalidad na serbisyo sa tulad niyang ordinaryong mamamayan.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta at paghanga si Police Colonel Joseph G Talento, Chief of Police ng Makati City Police Station, sa mabuting gawa ng kanyang mga tauhan na nagpapakita ng katapatan sa mandato at serbisyo publiko na daan sa magandang ugnayan ng PNP at komunidad tungo sa pagkamit ng isang payapa at progresibong bansa.