Naval, Biliran – Nakiisa ang mga tauhan ng Naval Municipal Police Station sa pamamahagi ng food packs sa mga pedicab drivers sa Sitio Santol, Brgy. P. I. Garcia, Naval, Biliran noong Hulyo 3, 2022.
Pinangunahan ni Police Major Ryan C Delima, Officer-in-Charge, kasama ang mga FTOs at Police Trainees na pinasimulan ng PNP Class 2012 “MATIDLAS”.
Ang inisyatibong ito ay isinagawa kaugnay sa PNP Community Outreach Program Ayuda at sa PNP Core Values na “Makatao”.
Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang diwa ng pagtulong sa ating kapwa lalo na sa mga kapwa nating lubos na nangangailangan.
###
Panulat ni PSMS Reynaldo D Pangatungan