Maguindanao del Norte – Idinaos ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region ang Nationwide Multi-Sectoral Peace Assembly for Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023 kasabay ng Flag Raising Ceremony na ginanap sa Camp BGen Salipada Pendatun, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-16 ng Oktubre 2023.

Pinangunahan ni Police Colonel James Gulmatico, Chief Regional Staff ng PRO BAR, kung saan naging panauhing pangdangal at tagapagsalita si Atty. Ray Sumalipao, Regional Election Director ng COMELEC BARMM.
Dumalo din sa naturang aktibidad sina Major General Alex Rillera, Philippine Army, Commander 6th Infantry Division KAMPILAN, Brigadier General Eric Macaambac, Philippine Navy, Commander, 1st Marine Brigade, Atty. Richard Opinion, Regional Director ng RIAS PROBAR, mga miyembro ng Command Group, at mga personahe ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education BARMM, COMELEC, PCG, at Faith-Based Group.

Layunin ng aktibidad na tiyakin ang kapayaaan at panatilihin ang demokrasya sa panahon ng BSKE 2023, kung saan nilagdaan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor ang Pledge of Commitment at ang pagpapalipad ng mga kalapati bilang tanda ng pagmamahal, kapayapaan, at katapatan.
Ang aktibidad ay nagpapakita ng kanilang kahandaan sa pagsuporta sa Pambansang Pulisya ng Pilipinas para sa isang Ligtas, Maayos, at Mapayapang BSKE 2023.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz