Arestado ang Most Wanted Person sa National Level sa kasong 3 Counts of Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Purok Katipunan, Barangay Reyes, Banga, South Cotabato nito lamang Hunyo 14, 2024.
Kinilala ni Police Brigadier General Percival Augustus P. Placer, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang suspek na si alyas “Niño”, 47 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Barangal Del Castillo, Sara, Iloilo.
Bandang 2:30 ng hapon nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Women and Children Concern Section (WCCS) (Lead Unit), katuwang ang PS- 12, MPD, RIU 12-PNP IG, RIU 12-IG, Banga MPS, South Cotabato PPO, Police Station 7, General Santos City Police Office, Guimbal MPS, Iloilo PNP sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong 3 Counts of Rape na walang piyansa.
Inatasan naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pulisya na mas palakasin ang kampanya laban sa kriminalidad para mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Rhesalie Umalay