Ginunita ng Pambansang Pulisya ang Araw ng Pambansang Watawat sa lahat ng parte ng bansa sa pamamagitan ng makahulugan na Flag Raising Ceremony nito lamang Linggo, Mayo 28, 2023.
Nanguna ang mga tauhan ng himpilan sa National Headquarters sa pagpupugay sa watawat na dinaluhan naman ng iilang mga PNP Senior Officers, at iba pang uniformed personnel mula sa iba’t ibang National Support Unit sa Camp Crame, Quezon City.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Police General Benjamin C Acorda Jr, Chief, Philippine National Police, hinihikayat ang buong hanay na patuloy na isabuhay ang tunay na diwa ng selebrasyon – ang pagkakaisa para sa sinumpaang tungkulin sa bayan at mamamayan.
Aniya, “As we unite under our beloved flag, let us embrace the ideals it embodies: love of country, unity, and patriotism. Let us stand together, hand in hand, in pursuit of progress, peace, and prosperity for all Filipinos. Through collective efforts, we can overcome any challenges and build a brighter future.”
“Let us rededicate ourselves to the principles that our flag represents. Let us strive for excellence in our endeavors, promote justice and equality, and foster a society that upholds the dignity and rights of every Filipino,” dagdag pa niya.
Ang Mayo 28 ay idineklara bilang National Flag Day sa bisa ng Presidential Proclamation No. 374 noong Marso 6, 1965, na pinirmahan ni President Diosdado Macapagal.
Ito ay bilang paggunita sa makasaysayang pagtaas ng watawat ng Pilipinas ng mga miyembro ng Philippine Revolutionary Army matapos nitong magapi ang mga Espanyol sa Battle of Alapan sa Imus, Cavite noong 1898.