Naging maayos at mapayapa ang isinagawang National and Local Elections 2025 sa Sultan Kudarat nito lamang Mayo 12, 2025.
Sa kabuuan ng halalan, wala namang naitalang hindi kanais-nais na insidente sa mga polling centers sa araw mismo ng halalan.
Mula nang magbukas ang pagboto ng 5:00 ng umaga hanggang sa pagsasara nito 7:00 ng gabi, naging maayos at mapayapa ang mga polling centers na kabilang sa probinsya ng Sultan Kudarat.
Ang presensya ng mga tauhan ng PNP, BFP at mga rescuers ay naramdaman ng bumubotong publiko sa mga paaralan kung saan naganap ang pagboto.
Samantala, walang naiulat na failure of election sa alinmang bayan ng Sultan Kudarat.
Layunin ng ating Pambansang Pulisya at ibang ahensya ng gobyerno na mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng halalan at magbigay seguridad sa mga polling centers, election paraphernalia, at election personnel.