Monday, January 13, 2025

Nangholdap ng taxi, arestado ng Tublay PNP

Walang lusot ang isang holdaper ng taxi matapos arestuhin ng rumespondeng tauhan ng Tublay Municipal Police Station sa Sitio Dutaan, Daclan, Tublay, Benguet nito lamang madaling araw ng Marso 26, 2024.

Kinilala ni Police Captain Ricky C Bugnay, Acting Chief of Police ng Tublay MPS, ang suspek na isang 29 anyos na lalaki, may asawa, vegetable packer at residente ng Balili, La Trinidad, Benguet.

Ayon sa salaysay ng biktima, isinakay niya ang suspek sa Baguio Center Mall at hiniling na ihatid sa Acop, Tublay, Benguet subalit nang makarating sa kanilang destinasyon ay muli itong nagpahatid sa Bado, Dangwa kung saan nagdeklara ng holdap ang suspek.

Tinutukan ng suspek ang leeg ng biktima ng isang patalim dahilan upang ibigay ng biktima ang kanyang koleksyon na nagkakahalaga ng Php3,650 kapalit ng kanyang kaligtasan.

Agad namang bumaba sa taxi ang driver at humingi ng tulong nang may makita itong mga lalaki sa gilid ng kalsada kaya’t naalarma ang holdaper at agad ding bumaba at tumalon sa mataas na bangin dahilan ng kanyang pagka-trap hanggang sa arestuhin ito ng mga rumespondeng mga tauhan ng Tublay MPS.

Ang biktima at ang suspek ay parehong dinala sa Benguet General Hospital para sa medikal na pagsusuri bago dalhin ang suspek sa Tublay MPS para sa dokumentasyon at sasampahan ng kasong Robbery with Intimidation.

Ang pagkahuli ng nasabing suspek ay patunay na ang Pambansang Pulisya ay handang rumesponde at hindi tumitigil sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan  sa komunidad.

Panulat ni PSSg Ermilinda Cacliong

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles