Nagsagawa ng seremonyal na pagsira ng 1,838 na nakumpiskang ilegal na paputok at pyrotechnic na kagamitan sa buong Bataan, na ginanap sa Camp PFC Cirilo S Tolentino, Lungsod ng Balanga, Bataan nito lamang Biyernes, ika-27 ng Disyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Palmer Z Tria, Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office, sa pakikipagtulungan ng PECU Bataan, Bataan BFP, at PDRRMO.
Ang pagsira ng mga ilegal na kagamitang ito ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang mga mapanganib at walang pahintulot na materyales ay hindi makarating sa publiko, sa gayon ay maiwasan ang mga pinsala, aksidente, at posibleng pagkawala ng buhay sa panahon ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Ito ay paalala para sa komunidad na magtulungan at tiyakin ang mapayapa at ligtas na pagdiriwang sa pamamagitan ng pagsunod sa batas at pag-prioritize ng kaligtasan para sa lahat.
Ang masigasig na hakbang ng Bataan PNP ay isang malaking hakbang sa pag-iwas sa kapahamakan at sa pagpapalaganap ng kultura ng kaligtasan at pagsunod sa batas.
Panulat ni Pat Nikki Lyra Barbero