Nueva Ecija –Narekober ng mga kapulisan ang nakatagong armas ng New People’s Army sa Brgy. Sta. Lucia Old, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
Ayon kay Police Colonel Jess Mendez, Acting Provincial Director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, isang dating miyembro ng Milisyang Bayan ang nagreport sa nakatagong mga armas sa nasabing barangay.
Ayon pa kay PCol Mendez, bandang 2:00 ng hapon narekober ang mga armas na isang 9mm Pistol na walang Serial Number, isang magazine ng 9mm na may walong bala at isang Granada sa pinagsamang operatiba ng Nueva Ecija at Philippine Army.
Samantala, patuloy ang mga pulisya ng Nueva Ecija PPO sa kanilang kampanya laban sa mga Communist Terrorist Groups bilang pagsuporta sa Executive Order No. 70 Provincial Task to End Local Communist Armed Conflict sa direktiba ni Police Brigadier General Matthew Baccay, Regional Director ng Police Regional Office 3.
Layunin nitong magbalik-loob ang mga teroristang grupo sa gobyerno para sa mapayapa at maayos na pamumuhay.
###
Good job salamat sa mga kapulisan
Tagumpay salamat sa PNP