Bulan, Sorsogon – Narekober ng Sorsogon PNP at Philippine Army ang nakatagong armas ng Communist Terrorist Group sa Barangay Calpi, Bulan, Sorsogon nitong Huwebes, Abril 21, 2022.
Ayon kay Police Colonel Arturo Brual Jr., Provincial Director ng Sorsogon Police Provincial Office, nakatago ang nasabing mga armas sa loob ng dalawang asul na drum na nakabaon sa lupa sa magubat na bahagi ng nasabing barangay.
Ayon pa kay Police Colonel Brual Jr., bandang 5:10 ng umaga narekober ang mga armas at bala; dalawang M16 rifle; 8,190 rounds ng live ammunitions para sa kalibre 5.56mm; apatnapu’t walong M16 magasin; at labing siyam na M14 magasin, sa magkatuwang na ikinasang operation ng mga operatiba ng Bicol PNP at 9th Infantry Division ng Philippine Army.
Samantala, ipinahayag naman ni Police Brigadier General Jonnel Estomo, Regional Director ng PRO 5 ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa Philippine Army sa suporta at pagkakaisa na palaging iniaalok nito sa PNP. Kaya naman, tiniyak niya na ang Bicol PNP ay patuloy na makikipagtulungan sa militar para wakasan ang mga kalupitan ng komunistang teroristang grupo.
Source: KASUROG Bicol
###
Panulat ni Patrolman Rodel Grecia