Nagsagawa ng symposium ang Naguilian Police Station sa pangunguna ni Police Major Junneil Perez, Acting Chief of Police sa Brgy. Flores, Naguilian, Isabela noong ika-22 ng Oktubre 2022.
Nakiisa sa aktibidad ang mga KKDAT Naguilian Isabela Chapter at Brgy. Officials sa pangunguna ni Hon. Danilo Echaure, Punong Barangay na dinaluhan ng mga inimbitahang mga residente ng Brgy. Flores, Naguilian, Isabela.
Tinalakay ni PMaj Perez ang mga paksa hinggil sa Crime Prevention, Drug Awareness at RA 9262.
Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayan hinggil sa mga tinalakay na paksa upang maiwasan ang pagsangkot sa mga ilegal na gawain at mahikayat sila na makiisa sa pagsugpo ng kriminalidad at terorismo sa ating bayan alinsunod na rin sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kasama dito ang Barangay Development Program (BDP) at Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Source: Naguilian Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos