Thursday, November 28, 2024

Nagpanggap na pulis, timbog ng Mandaue City PNP

Cebu – Arestado ang 33-anyos na lalaki matapos mabisto ang ginawang pagpapanggap bilang pulis sa ikinasang follow-up operation ng mga tauhan ng Mandaue City Police Office – Station 3 sa Barangay Basak, Mandaue City, Cebu nito lamang Huwebes, Hulyo 20, 2023.

Kinilala ni Police Brigadier General Anthony A Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang suspek na si “Gabriel”, residente ng JP Street, Brgy. Basak, Mandaue City, Cebu.

Ayon sa report, isang complainant ang humingi ng tulong sa pulisya para mabawi ang kanyang bluetooth speaker na nirentahan ng naturang suspek na nagpapakilalang pulis.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang dalawang piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may bigat na 0.15 gramo at may Standard Drug Price na Php1,020, isang kalibre. 38 revolver, walong live ammunition, replica na caliber .45 pellet gun, Police bullet vest, dalawang handheld radio, sling bag na ginamit bilang lalagyan ng ilegal na droga, registration plate, piercing cap, Identification card, cellular phone, Chokorno at baseball bat.

Mahaharap ang suspek sa kasong Usurpation of Authority, at mga paglabag sa section 11 ng R.A. 9165 at R.A. 10591.

Pinuri naman ni PBGen Aberin ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon at binalaan ang mga indibidwal na sumisira sa integridad ng organisasyon sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga opisyal ng pulisya upang samantalahin ang ibang tao.

Gayundin, ay hinimok ng heneral ang mamamayan na i-report ang mga indibidwal na nagpapanggap na pulis sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles