Tinatayang Php1,200,000 halaga ng marijuana ang nadiskubre ng mga awtoridad sa isinagawang marijuana eradication sa Sitio Legab, Barangay Kayapa, Bakun, Benguet nito lamang ika-11 ng Pebrero 2024.
Naging matagumpay ang operasyon sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng Bakun Municipal Police Station, Provincial Intelligence Division and Management Unit, Provincial Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit ng Benguet Police Provincial Office at Regional Intelligence Unit 14.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakadiskubre ng isang plantasyon ng marijuana na may lawak na 1,200 square meters na may tanim na humigit kumulang 6,000 fully grown marijuana plants na may standard drug price na Php1,200,000.
Agad namang binunot at sinunog ng mga operatiba ang mga nasabing marijuana sa mismong lugar ng pinagtaniman.
Ang operasyon ay bunga ng walang humpay na pagsusumikap ng kapulisan upang matuldukan ang problema sa ilegal na droga na isa sa pangunahing adhikain ng pamahalaan tungo sa ligtas at maunlad na pamayanan.