Tagumpay na idinaos ang MusiKalayaan 2022 bilang paggunita sa ika-124 taong anibersaryo ng Kalayaan ng Pilipinas nitong Hunyo 10, 2022 sa Rizal Park, Open Air Auditorium, Luneta, Manila City.
Ang naturang selebrasyon ay taunang ginaganap bilang pakikiisa sa pagdiriwang sa Araw ng Kalayaan ng bansa, na naglalayong pagyamanin ang natatanging pagkakakilanlan bilang isang Pilipino at bilang isang malayang bansa. Ito ay inorganisa ng iba’t ibang uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection at ng iba pang ahensya ng pamahalaan.
Naging kasabik-sabik ang selebrasyon ng magsimulang nagpasiklab ang Philippine Army Band, St Joseph Band 98 at ng Police Regional Office 8 Band, na sinundan naman ng iba pang mga banda na opisyal na kasali sa MusiKalayaan 2022.
Bukod pa sa kantahan nagkaroon din ng candle lighting na nilahukan naman ng iba’t ibang personalidad kabilang na ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo upang mag-alay ng dasal at patuloy na ipalaganap ang pag-asa ng nagkakaisang mamamayan tungo sa mas mapayapa at ligtas na Pilipinas.
Samantala, siniguro naman ng mga awtoridad ang kaligtasan ng bawat isa na dumalo sa nabanggit na selebrasyon sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga tauhan para sa mga emergency assistance desk sa paligid ng parke.
Photo Courtesy by KKDAT and AFP
###