Nagsagawa ng intel monitoring ang mga tauhan ng Tumauini Police Station, Isabela noong Disyembre 3, 2021 sa Purok 3, Barangay Lanna, Tumauini, Isabela na nagresulta sa pagkakaaresto sa tinaguriang Top 5 Most Wanted Person ng Cagayan Valley.
Kinilala ang suspek na si Esteban Baccay, 59 anyos, isang magsasaka at residente ng Barangay Lanna, Tumauini, Isabela.
Nadakip sa bisa ng Warrant of Arrest ang suspek na inilabas ni Acting Presiding Judge Dennis A. Mendoza ng Regional Trial Court Branch 22 para sa kasong Murder (2 counts) sa ilalim ng Criminal Case Number 22-4435 at 22-4436 na walang rekomendang piyansa.
Agad dinala si Baccay sa himpilan ng Tumauini Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.
#####
Panulat ni: Police Corporal Josephine T Blanche
Saludo s mga Kapulisan