Multi-Agency Send-Off Ceremony para sa Kaamulan Festival 2026 at NMRAA Meet 2026, isinagawa sa Bukidnon

0
152

Isinagawa ang Multi-Agency Send-Off Ceremony kaugnay sa nalalapit na pagsisimula ng Kaamulan Festival 2026 at Northern Mindanao Regional Athletics Association (NMRAA) Meet 2026 sa Capitol Grounds, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Miyerkules, Marso 18, 2026.

Ayon kay Police Colonel Oliver S. Navales, Provincial Director, Bukidnon Police Provincial Office, nasa mahigit 4,000 pulis ang magbibigay ng seguridad at proteksyon upang masiguro na walang gulo o anumang uri ng krimen ang magaganap sa naturang Kaamulan Festival na may inaasahang 500-1 milyong lokal at turista na makikiisa upang mas kilalanin ang kultura at tradisyon ng pitong tribu na bumubuo sa probinsya ng Bukidnon.

Katuwang sa pagbibigay ng seguridad ng mga kapulisan ang AFP, BFP at Force Multipliers.

Samantala, nagpasalamat si PCol Navales sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bukidnon sa tiwala at suportang ibinigay sa PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan upang matiyak na magiging matagumpay ang mga aktibidad na ligtas sa kriminalidad, panganib, at kaguluhan.

Leave a Reply