Mt. Province – Naging matagumpay ang isinagawang 3-Day Moving the Youths Towards Peace and Development na ginanap sa Namatec, Sabangan, Mountain Province nito lamang Abril 28-30, 2023.
Ang aktibidad ay mula sa inisyatibo ng Sabangan Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Captain Abbey Albert Longi, Acting Chief of Police katuwang ang Mountain Province Police Provincial Office, Sangguniang Kabataan-Namatec, Namatec National High School, Special Action Force, Philippine Army, Namatec Patrol Base at mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Mountain Province Chapter.
Ang aktibidad ay dinaluhan rin ni Police Lieutenant Colonel Crisante Sadino, Deputy Provincial Director for Administration at lokal na mga opisyal ng Sabangan kung saan nasa 86 na mag-aaral ng Namatec National High School ang lumahok at matagumpay na nagtapos sa naturang aktibidad.
Ilan sa isinagawa dito ay ang lectures hinggil sa iba’t ibang paksa, Guidon at Slogan Making, Career Exploration, Self Love at Recollection/Reflection, Namatec Got Talent at Big Brothers Time with Parents kung saan nagkaroon ng heart to heart talk ang mga kalahok sa kanilang mga magulang.
Isang patunay na ang Mountain Province PNP ay pinapahalagahan at binibigyang pansin ang mga kabataan sa kanilang mga nasasakupan kaya naman patuloy ang pagsasagawa ng mga aktibidad upang mailayo ang mga kabataan sa mga ilegal na droga at terorismo, gayundin ay hinuhubog at inihahanda ang mga ito bilang magiging lider ng ating bayan.