Minsan sa kahabaan ng National Highway ng Kidapawan City, may mga biyaherong taga Matalam, Cotabato na lumuwag ang volts ng sasakyan at biglang natanggalan ng gulong kaya ito ay nagpagulong-gulong sa kalsada. Buti na lamang at walang natamaan na ibang motorista at mga sibilyan.
Kasalukuyan namang nagpapatrolya ang ating Motorcops na sina PSMS Darwin Palmones, PSSg Randy Ambit, PSSg Jhake Busain, PCpl Jerome Pampangan, at PCpl Albert Bitancor na agad nirespondehan ang nasabing insidente at isinakay ang mga biyahero sa kanilang patrol car.
Pinagtulungan nilang buhatin ang sasakyan para maitabi ito upang makaiwas sa abala at disgrasya sa ibang motorista. Ang mga sakay nito ay inilipat muna sa patrol at inihatid sa kanilang pupuntahan sa nasabing lungsod. Mabilis naman itong napalitan ng gulong katulong ang ating kapulisan at nakapagpatuloy ang mga biyahero sa kanilang destinasyon.
Malaki ang naging pasasalamat ng mga biyahero sa agarang pagresponde ng mga Motorcops at napabilis ang kanilang pag-aayos sa nasirang sasakyan.
Saludo po kami sa Motorcops ng PRO 12 Kidapawan City Police Station sa agarang pagresponde sa ating mga kababayan!
####
Panulat ni: Police Corporal Mary Metche A Moraera
Salute PNP, Mabuhay
Salamat may Pulis!
Snappy salute for the swift action Sirs!
Godbless PNP
Saludo sa mga kapulisan walang sawa sa pagtulong. Mabuhay po kayo, Mam and Sirs!
Salamat may Pulis!
Mabuhay PNP❤❤❤
Gud job sir