Thursday, January 9, 2025

Motorista, nahulihan ng shabu sa Checkpoint ng PNP

Nahulihan ng shabu ang isang lalaking motorista sa isang checkpoint operation ng pulisya bandang 11:00 ng gabi ng Oktubre 14, 2024 sa San Vicente-Malimpin Road, Dasol, Pangasinan.

Kinilala ang suspek na si alyas Rey, 39 taong gulang, residente ng Barangay Gais-Guipe, Dasol, Pangasinan.

Umiwas ang suspek nang sitahin ng pulisya at tumanggi na sumunod at minura ang mga pulis kaya siya ay agad inaresto. Nang kapkapan, nakuha mula sa suspek ang tinatayang 12.80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit kumulang Php87,040, kasama ang ilang personal na gamit, motorsiklo, cellphone, at cash na Php7,349.

Dinala ang suspek sa Dasol Community Hospital para sa medikal na pagsusuri at kasunod nito ay sa himpilan ng pulisya para sa karampatang dokumentasyon at imbestigasyon.

Ang matagumpay na pagkakahuli sa suspek ay isang mahalagang hakbang tungo sa layunin ng Bagong Pilipinas na sugpuin ang ilegal na droga at tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan. Patuloy ang pagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa mga komunidad bilang bahagi ng mga hakbangin ng gobyerno upang itaguyod ang kaayusan at kapayapaan sa bansa.

Source: Dasol MPS Panulat ni PSSg Robert B Abella Jr

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles