Davao City, (February 8, 2022) – Pinangunahan ni PBGen Filmore Escobal, Regional Director, Police Regional Office 11 (PRO11) ang pagbubukas ng Batch 2020-04 Motorcycle Trail Riding Course (MTRC) na nilahukan ng 30 kapulisan sa PRO11 Grandstand, Buhangin, Davao City noong Pebrero 8, 2022.
Ipinahayag ni PBGen Escobal ang kanyang paghanga sa naging batch ng MTRC sa pagkuha nila ng oportunidad na magagamit sa pagpapalago ng kahusayan at kakayahan lalo na ang mga nakatalagang pulis na nasa malalayo at mabubundok na lugar, kung saan tanging mga motorsiklo lamang ang maaaring makapasok.
“As law enforcement organization, its mandate is to ensure peace and order in the community it is our main responsibility to put extra effort to transform our men by equipping them with different level of skills and knowledge in addressing issues and concerns especially in suppressing crimes and insurgency even in the most isolated barangays in the region,” saad nito.
Layunin ng MTRC na turuan ang ating mga napiling kapulisan sa pagmamaneho lalo na sa mga mapuputik at matataas na kabundukan na siyang makatutulong sa pagsugpo ng krimen sa mga lugar na bukod tanging ang motorsiklo lamang ang may kakayahang makapasok.
####
Panulat ni Patrolman Rhod Evan G Andrade
Husay talaga ng mga pulis saludo kami