Misamis Occidental – Ginunita ng Misamis Occidental PNP ang Mother`s Day sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa mga residente ng Barangay San Isidro Alto, Sinacaban, Misamis Occidental nito lamang Linggo, Mayo 14, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Charien Estenzo, Deputy, Provincial Community Affairs and Development Unit sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Marlon Quimno, Provincial Director ng Misamis Occidental Police Provincial Office kasama ang mga tauhan ng Sinacaban Municipal Police Station, 10th Infantry Battalion ng Philippine Army, Philippine Coast Guard, Advocacy Support Group, Force Multipliers, KKDAT President at mga Barangay Officials ng naturang barangay.
Sa naturang aktibidad ay namigay ng serbisyong Libreng Food Packs, Pre-loved Clothes, Dental Kit, Hygiene Kit, School Supplies para sa mga Bata, Libreng Vitamins, Ear Piercing, Libreng Masahe, Libreng Manicure, at Feeding Program.
Nasa 100 na benepisyaryo ang lumahok sa naturang aktibidad na labis ang tuwa at pasasalamat sa serbisyong nagkakaisa na naipaabot ng grupo.
Layunin ng aktibidad na ihatid ang kalidad na serbisyong publiko sa mga Nanay/Ina sa para sa lahat ng sakriprisyo para sa komunidad sa pakikiisa sa Misamis Occidental PNP at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10