Surigao del Sur – Arestado ang Top 8, 9, at 10 Most Wanted Persons (Regional Level) ng Rehiyon 13, na tinuturing mga suspek sa pandurukot ng bata sa kinasang Joint Operation ng Surigao del Sur PNP nito lamang Lunes, Abril 18, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Romeo Caramat Jr, Regional Director ng Police Regional Office 13, ang tatlong nadakip na sina Jimmy Cabas Espinosa Jr (Top 8 MWP), 52, Adonis Cabas Espinosa, (Top 9 MWP), 57, at Clemen Cabas Espinosa (Top 10) 46, na pawang mga residente ng P-3 Sitio Rocky Brgy. Tagbobonga, Hinatuan, Surigao del Sur.
Ayon kay PBGen Caramat, bandang 4:10 ng hapon naaresto ang tatlong suspek sa nasabing lugar ng mga operatiba ng Hinatuan Municipal Police Station at Surigao del Sur 1st Provincial Mobile Force Company sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Kidnapping and Serious Illegal Detention sa ilalim ng Criminal Case No. 2021-86370-H na walang nirekomendang piyansa.
Dagdag pa nito, kasama ang tatlong suspek sa mga dumukot sa isang pitong taong gulang na bata sa P-3 Sitio Rocky Brgy. San Ramon, Hinatuan, Surigao del Sur, bandang 12:30 ng tanghali habang naglalaro sa basketball court kasama ang iba pang bata noong Agosto 4, 2020.
“Up to this day, the operatives of PNP Caraga are still conducting scrupulous investigation and painstakingly gathering intelligence information for the possible recovery/rescue of the missing person,” pahayag ni PBGen Caramat.
Source: PRO13 Caraga PULIS PIO
###
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/RPCADU13