Pangasinan – Arestado ng Sta. Barbara PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 sa Brgy. Poblacion Norte, Sta. Barbara, Pangasinan nito lamang ika-13 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Jun Wacnag, Officer-In-Charge ng Sta. Barbara Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Mayrina, 42, residente ng Brgy. Maningding, Sta. Barbara, Pangasinan.
Bandang 1:10 PM ng tanghali ng maaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest at mayroong rekomendadong piyansa na Php60,000.
Ang Sta. Barbara PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Sta Barbara, Municipal Police Station, Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal