Arestado ang isang lalaking nakatala bilang Top 1 Municipal at Top 6 Provincial Most Wanted Persons sa isang operasyon ng kapulisan sa Barangay Poblacion East, San Nicolas, Pangasinan nitong ika-11 ng Mayo 2025.
Kinilala ang suspek na si Conrado Subido Galvan, walang trabaho, at residente ng Sitio Calanutan, Barangay San Felipe East, San Nicolas, Pangasinan.
Ikinasa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng San Nicolas Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 1, Regional Intelligence Division PRO1, RMFB PRO1, at PIU Pangasinan PPO.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Article 266-A(1D) ng Revised Penal Code na walang inirekomendang piyansa.
Ang batas ay umiiral para sa lahat. Sa patuloy na kampanya kontra kriminalidad, panawagan ng Pambansang Pulisya ang pakikiisa ng bawat mamamayan.
Source: San Nicolas MPS
Panulat ni PMSg Marvin Jake Romero