Himas rehas ang Most Wanted Person sa kasong Robbery sa pamamagitan ng Warrant of Arrest na inihain ng Iligan City PNP sa Post 1 Barangay Maria Cristina, Iligan City nito lamang ika-7 ng Hulyo 2024.
Kinilala ng Tracker Team ng CIU-CSOU sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ahmad O Sanihin kasama ang Iligan City Mobile Force Company, Iligan City Police Station 2 at CIDMU ang suspek na si alyas “Jr”, 24 anyos, walang asawa, construction worker at residente ng Purok Mauswagon Upper Tatay, Barangay Ditucalan, Iligan City.
Bandang 11:40 ng umaga nang madakip ang suspek sa kasong Robbery kaugnay sa SIMACHO.
Nagpapatunay lamang ito na hindi titigil ang PNP sa paghuli sa mga Wanted Persons at pagsugpo sa mga kriminalidad para sa mas ligtas at payapang komunidad.
Panulat ni Patrolwoman Danessa Berdos