Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng mga tauhan ng Tugbok PNP sa Brgy. Sto Nino, Tugbok District, Davao City nito lamang Nobyembre 14, 2023.
Kinilala ni Police Major Jimmy Evangelista, Station Commander ng Tugbok Police Station, ang suspek na si alyas “Jay”, residente ng Tugbok, Davao City.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng pinagsamang tauhan ng Tugbok Police Station at Regional Mobile Force Battalion 11 sa kasong Rape na walang piyansang inirekomenda.
Layunin ng Police Regional Office 11 na hulihin ang lahat ng wanted persons sa Rehiyon Onse upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa pamumuno ni Police Brigadier General Alden Delvo, Regional Director.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara