Davao City – Arestado ang isang Most Wanted Person (Station level) na may kasong rape sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP nito lamang Lunes, Hunyo 13, 2022.
Kinilala ni PMaj Jake Goles, Station Commander ng Sta. Ana Police Station, ang suspek na si Gilbert Gabriel Olores, 25, residente ng Purok 7 Block 52 Lot 13, Brgy. 23-C Blvd., Davao City.
Ayon kay PMaj Goles, naaresto ang suspek sa Candelaria St, Ecoland, Davao City ng pinagsamang pwersa ng Sta. Ana PS, 1st Davao del Norte Provincial Mobile Force Company, 2nd Mobile Company Regional Mobile Force Company at ang Regional Maritime Unit 11 sa bisa ng Warrant of Arrest.
Ang patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ay malaking tulong sa Rehiyon Onse upang magkaroon ng payapa at tahimik na pamayanan. Ito ay dahil sa pagsusumikap ng Police Regional Office 11 at sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara