Palawan – Arestado ang isang Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng Palawan PNP sa Brgy. Concepcion, Busuanga, Palawan noong ika-29 ng Marso 2023.
Kinilala ni Police Major Ric Ramos, Chief PIO ng Palawan PPO, ang suspek na si alyas “Kevin”, residente ng Busuanga, Palawan, naitala bilang Most Wanted Person Rank no. 5 Regional Level.
Ayon kay PMaj Ramos, naaresto ang suspek sa isinagawang joint operation ng mga tauhan ng Busuanga MPS, RIU4b-PIT Palawan, 1st PMFC Palawan PPO, PIU Palawan PPO, PIDMU, Palawan PPO, Highway Patrol Team-Palawan, at 2nd Special Operation Unit PNP Maritime Group.
Ang suspek ay may Warrant of Arrest sa kasong Rape by Sexual Assault in relation to RA 7610 at RA 11648 na may inirekomendang piyansa na Php120,000 at sa kasong Rape by Carnal Knowledge in relation to RA 7610 and RA 11648 (9 counts) na walang inirekomendang piyansa .
Ang PNP ay hindi titigil sa paghuli sa mga taong may pagkakasala sa batas at nagsasagawa ng ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus