Arestado ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person na may kasong Rape sa Barangay San Anotnonio District 5, Dagami, Leyte nitong ika-29 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Captain Melvin T Malate, Officer-In-Charge ng Dagami Municipal Police Station, ang naarestong suspek na si alyas “Andoy”, 29 anyos, magsasaka at residente ng Dagami, Leyte.
Bandang 6:00 ng umaga nang maaresto ang akusado ng mga operatiba ng Dagami Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa layuning hulihin ang mga may pananagutan sa batas upang mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima nito.
Panulat ni Pat Christine Reyna T Tolledo