Himas rehas ang isang lalaking Most Wanted Person na may kasong Rape matapos mapasakamay ng mga awtoridad sa Barangay Salug, Guiuan, Eastern Samar nito lamang Pebrero 17, 2025.
Kinilala ni Police Captain Julius O Abellar, Officer-In-Charge ng Guiuan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Justine”, 19 anyos at residente ng Barangay Canawayon, Homonhon, Guiuan, Eastern Samar.
Bandang 1:10 ng madaling araw nang maaresto ang suspek ng mga tauhan ng Guiuan Municipal Police Station, kasama ng Provincial Intelligence Team Eastern Samar, Regional Intelligence Unit 8 at Eastern Samar Provincial Intelligence Unit sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Eastern Samar PNP ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas upang mapanatiling ligtas ang komunidad ng sa gayon maipatupad ang kapayapaan sa bansa para sa ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian