South Cotabato – Arestado ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa Municipal Level ng Davao Occidental matapos maaresto ng pulisya sa Purok Muda, Brgy. Teresita, Sto. Niño, South Cotabato nito lamang Sabado, Setyembre 30, 2023.
Kinilala ni Police Major Raymon Faba, Hepe ng Sto. Niño Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Jimboy”.
Sa ulat ng Sto. Niño PNP, ang suspek ay naaresto ng mga operatiba ng Sto. Niño PNP, South Cotabato Police Provincial Office-Provincial Intelligence Unit, Sarangani MPS, Davao Occidental PNP sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Qualified Statutory Rape.
Tiniyak naman ni PMaj Faba na ang kanilang hanay maging ang kapulisan sa buong rehiyon ay hindi tumitigil sa pagtunton at pagtugis sa mga personalidad na may pagkakasala sa batas.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin