Arestado ng Binmaley PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong paglabag sa Qualified Statutory Rape sa Barangay Malindong, Binmaley, Pangasinan, nito lamang Miyerkules ika-4 ng Disyembre, 2024.
Kinilala ni Police Captain Alexander A Supsupin, Chief of Police ng Binmaley Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Nore)”, 41 taong gulang, residente ng Barangay Malindong, Binmaley, Pangasinan.
Ayon kay PCpt Supsupin, naaresto ang suspek dakong 4:20 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest at walang rekomendadong piyansa.
Ang Binmaley PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad tugon sa maayos at ligtas na Bagong Pilipinas.
Source: Binmaley, Municipal Police Station Pangasinan
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal