Lucena City, Quezon – Arestado ang isang most wanted person sa kasong paglabag sa RA 9165 sa manhunt operation ng Lucena PNP at CIDG nito lamang Lunes, Hulyo 11, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Reynaldo Reyes, Chief of Police ng Lucena City Police Station, ang suspek na si Jeric Alcantara, 26, residente ng Purok 2, Brgy. Dalahican, Lucena City.
Ayon kay PLtCol Reyes, bandang 2:33 ng hapon naaresto ang suspek sa naturang barangay sa joint operation ng pinagsanib na puwersa ng Lucena City Police Station at Criminal Investigation and Detection Group ng Quezon.
Ayon pa kay PLtCol Reyes, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 4, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at walang rekomendasyon na piyansa.
Ang tagumpay ng PNP laban sa mga may pananagutan sa batas ay bunga ng pinaigting na pakikipagtulungan at suporta ng mamamayan para mapanatilihing ligtas at maayos ang komunidad.Â
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon