Cebu City, Cebu – Nasakote ang Most Wanted Person ng Cebu City sa kasong Murder sa manhunt operation ng pulisya sa Sitio Exoville Brgy. Basak, Pardo, Cebu City nito lamang Linggo, ika-10 ng Hulyo 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ernesto Salvador T Tagle, City Director ng Cebu City Police Office, ang naaresto na si Manolito Monteclar Labor alyas “Felipe Labor” o “Chester Labor”, 40, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay Police Colonel Tagle, si Labor ay tinaguriang Top 1 Most Wanted Person ng lalawigan.
Ayon pa kay Police Colonel Tagle, naaresto ang akusado pasado alas-3:00 ng hapon sa bisa ng Warrant of Arrest sa operasyon na ikinasa ng mga tauhan ng Police Station 7, CCPO na pinamumunuan ni Police Major Remon Jake S Aguho at ng mga miyembro ng Provincial Unit, BPPO na pinangungunahan ni Police Lieutenant Colonel John Kareen O Escober.
Dagdag pa ni Police Colonel Tagle, ang naturang Warrant of Arrest ay inisyu noong ika-6 ng Agosto 2021 ni Hon. Adonis A Laure, Presiding Judge, RTC Br.51, 7th Judicial Region, Carmen, Bohol.
Pinuri naman ni Police Colonel Tagle ang mga tauhan ng Cebu City Police Office para sa kanilang walang humpay na pagsisikap upang isakatuparan ang kanilang mga gampanin at tungkulin para sa kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan na kanilang pinaglilingkuran.
###