Lopez, Quezon – Arestado ang Most Wanted Person (Municipal Level) sa kasong Murder sa isinagawang operasyon ng Quezon PNP nito lamang Martes, Agosto 30, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Dandy Aguilar, Acting Chief of Police, Lopez Municipal Police Station, ang suspek na si Jun jun Comia y Torero, alyas “Embot”, 45, walang asawa, magsasaka, residente ng Brgy. Lourdes, Lopez, Quezon.
Ayon kay PLtCol Aguilar, dakong 1:30 ng hapon naaresto ang suspek sa Brgy. Lourdes, Lopez, Quezon ng pinagsanib na puwersa ng Lopez MPS, Del Gallego Camarines Sur MPS, Calauag Maritime Police Station at Provincial Intelligence Unit-Quezon Police Provincial Office.
Ayon pa kay PLtCol Aguilar, naaresto ang suspek sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.
Ang Quezon PNP ay lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad para sa tahimik, ligtas at maayos na pamayanan.
Source: Lopez Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin