Arestado ang isang Wanted Person sa isinagawang law operation ng mga operatiba ng Labangan Municipal Police Station katuwang ang Tukuran Municipal Police Station sa Purok Kadena de Amor, Barangay Balimbingan, Labangan, Zambaonga del Sur nito lamang ika-20 ng Enero 2025.
Kinilala ni Police Major Junar C Yap, Chief of Police ng Labangan MPS, ang naarestong suspek na si alyas “Goryo”, 37 anyos, lalaki, at residente ng Purok Euphorbia, Barangay Tawagan Sur, Pagadian City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Murder na walang inirekomemdang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay patuloy sa pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa agenda ng gobyerno na itaguyod ang kaayusan at kaligtasan ng publiko, kapayapaan at seguridad na magkaroon ng maunlad na isang Bagong Pilipinas.
Panulat ni Pat Joyce Franco