San Andres, Quezon – Arestado ang Most Wanted Person ng probinsya sa kasong Frustrated murder sa isinagawang OPLAN SACLEO ng Quezon PNP nito lamang Biyernes, Hunyo 17, 2022.
Kinilala ni Police Captain Arnold Conciso, Acting Chief of Police ng San Andres Municipal Police Station, ang suspek na si Jovy Beñegas y Aurellana, 42, magsasaka, residente ng Sitio Yuyuan, Brgy. Camflora, San Andres, Quezon.
Ayon kay PCpt Conciso, bandang 8:30 ng umaga naaresto ang suspek sa Sitio Tanza, Brgy. Camflora, San Andres, Quezon ng pinagsanib na puwersa ng Intel Operative ng San Andres MPS at 4th Platoon, 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company.
Ayon pa kay PCpt Conciso, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may rekomendadong piyansa na Php200,000. Ang tagumpay ng PNP laban sa mga may pananagutan sa batas ay bunga ng pinaigting at aktibong pakikipagtulungan ng mamamayan para mapanatiling ligtas at maayos ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon