Palawan – Timbog ang isang Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station sa Brgy. Baras, Taytay, Palawan noong ika-7 ng Abril 2023.
Kinilala ni Police Major Ric Ramos, Chief, PIO ng Palawan PPO, ang suspek na may alyas na “Jobie”, residente ng Taytay, Palawan bilang Top 10 Most Wanted Person at Rank No. 1 Municipal Level.
Ayon kay PMaj Ramos, naaresto ang suspek sa isinagawang joint operasyon ng Taytay MPS, 3MC, MBLT-3 sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php200,000.
Ang ating PNP ay hindi titigil sa paglaban sa mga may pagkakasala sa batas at iba pang ilegal na aktibidad para manatiling ligtas at maayos ang komunidad.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus