Davao del Norte – Arestado ang isang Most Wanted Person sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng Santo Tomas Municipal Police Station, noong Hunyo 9, 2022.
Kinilala ni PMaj Rodante Frias Varona, Acting Chief of Police ng nasabing istasyon ang suspek na si Allan Perez Alquizar, 53, na residente ng Purok Rose, Brgy. Talomo, Santo Tomas, Davao del Norte.
Ayon kay PMaj Varona, nahuli ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Samantala, pinuri naman ni PBGen Benjamin Silo Jr., Regional Director, Police Regional Office 11, ang pagkakahuli sa nasabing suspek na nagpapakita na ang PRO11 ay patuloy at hindi titigil na hulihin ang lahat ng Most Wanted Person sa Rehiyon upang mapanatili ang kapayapaan nito.
###
Panulat ni Patrolman Preal Cris Edosma