Arestado ang isang 22 anyos lalaki na may kasong 3 Counts of Rape sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Surallah Municipal Police Station sa Barangay Centrala, Surallah, South Cotabato noong ika-20 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Lemuel Josef Jancon Clarete, Chief of Police ng Surallah MPS, ang suspek na si alyas “Dyr”, residente ng nasabing Barangay, at kabilang sa talaan ng Top 2 Most Wanted Person sa Municipal Level, at Top 10 sa Provincial Level, at Top 10 sa Regional Most Wanted Person.
Ayon kay PLtCol Clarete, naaresto ang suspek sa isinagawang operasyon ng pulisya sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang Surallah PNP ay patuloy na pinapatupad ang mandato na panagutin sa batas ang mga taong nagkasala at sumisira sa kaayusan at katahimikan ng kanilang nasasakupan.