Naaresto ng mga awtoridad ang isang Most Wanted Person sa kasong Frustrated Murder sa Purok Cabugwason, Brgy. Cabug, Bacolod City, Negros Occidental noong Enero 7, 2024.
Kinilala ang nahuling wanted person na si alyas “Rogelio/ Ginamos”, na naaresto bandang 5:55 ng hapon sa pangunguna ng Sagay Component City Police Station-Tracker Team, kasama ang RMFB6, 605MC, 2nd Mobile Platoon.
Ayon kay PLtCol John Mocyat Jr, Hepe ng Sagay CCPS, nadakip ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na may Php200,000 na inirekomendang piyansa.
Kaugnay dito, pinuri ni PBGen Sidney N Villaflor, PRO6’s top cop ang dedikasyon at matagumpay na operasyon ng kapulisan.
“This accomplishment is just one of the many manifestations that our police officers are doing their job well, and with the support of the community, we have again delivered justice to the victim. Nabawasan na naman po ang kriminal sa lipunan,” ani PBGen Villaflor.