Bantay, Ilocos Sur – Naaresto ang isang Most Wanted Person ng Bantay, Ilocos Sur sa inihaing Arrest Warrant ng mga pulisya ng Ilocos Sur nito lamang Miyerkules, Marso 16, 2022.
Kinilala ni Police Major Pol Areola, Officer-in-Charge ng Bantay Municipal Police Station ang suspek na si Ester Atanes y Natividad, 47, walang asawa, helper, residente ng Brgy. Ora West, Bantay, Ilocos Sur.
Ayon kay Police Major Areola, naaresto si Atanes sa Brgy. Ora West, Bantay, Ilocos Sur sa pinagsanib na puwersa ng Bantay Municipal Police Station, Provincial Intelligence Unit-Ilocos Sur Police Provincial Office, 1st Ilocos Sur Provincial Mobile Force Company at Ilocos Sur Maritime Police.
Dagdag pa ni Police Major Areola, ang suspek ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Anti-Cattle Rustling Law of 1974 (PD 533) na may Criminal Case #9107-V-2022 na inilabas ni Hon. Fatima Vitamog Querubin, Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, First Judicial Region, Vigan City, Ilocos Sur noong Pebrero 23, 2022 at may rekomendadong piyansa na Php108,000.
Ang Pambansang Pulisya ay magpapatuloy sa pagtugis sa mga taong may pananagutan at nagtatago sa batas at sisiguraduhin din na mabigyan ng hustisya ang mga naging biktima ng krimen.
###
Husay more power PNP