Davao del Norte – Arestado ang isang lalaki sa kasong 4 counts ng Statutory Rape at 5 counts ng Child Abuse ng Santo Tomas PNP sa Davao del Norte nito lamang Linggo, Abril 10, 2022.
Kinilala ni PMaj Rodante Varona, Acting Chief of Police ng Santo Tomas Police Station, ang suspek na si Reynald Relabo, 36, residente ng Purok 7, Poblacion, Compostela, Davao de Oro.
Ayon kay PMaj Varona, ang suspek ay nasa kustodiya na ng nasabing istasyon para dumaan sa tamang disposisyon.
Samantala, lalo pang pagbubutihin ng Police Regional Office 11 ang kanilang trabaho at serbisyo publiko hangga’t hindi nadadakip ang lahat ng Most Wanted Person sa Rehiyon Onse sa pamumuno ni PBGen Benjamin Silo Jr., PRO11 Regional Director.
###
Panulat ni Patrolman Alfred D Vergara
Husay talaga ng mga pulis