Davao City – Arestado ang isang indibidwal sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP sa Brgy 76-A Bucana Candelaria St, Davao City, noong Hunyo 22, 2023.
Kinilala ni Police Major Rosario Aguilar, Station Commander ng Ecoland Police Station, ang suspek na si alyas “Carlo”, 28, residente ng Prk 2 Brgy. Tibungco, Davao City na tinaguriang Most Wanted Person sa lugar.
Ayon kay PMaj Aguilar, inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Ecoland PS sa kasong rape na walang piyansang inirekomenda.
Ang Police Regional Office 11 ay hindi titigil sa kanilang mga operasyon upang mahuli ang mga wanted person sa Rehiyon Onse. Sa tulong na ibinibigay ng mga mamamayan sa kapulisan ay makakamit ang kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara