Arestado ang isang wanted person sa patuloy na isinagawang Manhunt Charlie operation ng mga awtoridad sa San Lorenzo Village, Bago Gallera, Davao City nito lamang Nobyembre 28, 2023.
Kinilala ni Police Major Jonnel Bonguyan, Acting Station Commander ng Baliok Police Station, ang suspek na si alyas “Felimar”, 37, residente ng San Lorenzo, Bago Gallera, Davao City.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng tauhan ng Baliok Police Station sa kasong Qualified Rape na walang piyansang inirekomenda.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng magandang ugnayan ng PNP at mamamayan na nagtutulungan upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara