Matagumpay na naipatupad ng mga tauhan ng Baguio Police Station ang Warrant of Arrest laban kay alyas “Francis”, 18 taong gulang, isang estudyante at residente ng Purok Bayanihan, Barangay Wines, Baguio District, Davao City noong ika-30 ng Nobyembre, 2024.
Ayon kay Police Major Lisandro G. Bernardo, Acting Station Commander ng Baguio Police Station, ang suspek ay nahaharap sa kasong Qualified Rape, na walang piyansang inirekomenda.
Samantala, patuloy na nagsasagawa ng masusing hakbang ang Police Regional Office 11 upang mapigilan ang patuloy na paglaganap ng kriminalidad sa rehiyon. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang nakatutok sa pagpaparusa kundi pati na rin sa pagtutok sa mga ugat ng kriminalidad upang matutukan ang mga sanhi nito at maglatag ng mga programang makakaiwas rito.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino