Matagumpay na naipatupad ng mga awtoridad ang Warrant of Arrest laban kay alyas “Anthony”, isang 49 taong gulang na negosyante at residente ng Waling-waling Street, Sarphil Wilfredo Aquino, Agdao, Davao City noong ika-30 ng Nobyembre 2024.
Ayon kay Police Major Richeen M. Lagnayo, Acting Station Commander ng Sta. Ana Police Station, sabay na isinagawa ng kanyang mga tauhan at ng 1st City Mobile Force Company ang paghahain ng warrant.
Kasong limang bilang na paglabag sa Republic Act 8424 o ang “Tax Reform Act of 1997” ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang masigasig na pagsisikap ng Police Regional Office 11, katuwang ang mga pambansa at lokal na ahensya ng gobyerno, at ang buong komunidad ng Davao, upang labanan ang kriminalidad at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan para sa isang mas maunlad na pamumuhay para sa lahat.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino