Arestado sa bisa ng Warrant of Arrest ang isang Most Wanted Person sa ikinasang operasyon ng pulisya sa Lizada Barangay Hall, Toril, Davao City nito lamang Enero 8, 2025.
Ayon kay Police Major Sheryl Y. Bautista, Acting Station Commander ng Toril Police Station, ang suspek na si alyas “Jefferson,” 29 anyos, mangingisda at residente ng Sitio Kawayaran, Barangay Lizada, Toril, Davao City.
Inaresto ang suspek sa kasong Murder na walang piyansang inirekomenda.
Layunin ng PNP na mas mapalakas ang kampanya kontra kriminalidad hindi lamang sa Davao City kundi sa buong rehiyon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino